Wednesday, July 27, 2005

Hirap talaga magpalaki ng magulang.
May pinapagawa skin si mama na kaya ko naman gawin pero mahirap at medyo madaming pagdadaanan.
Si kuya ang gumagawa nun kaso natulog sya dahil sa kalasingan kaya sakin ngayon pinapagawa.
Sinabi ko na kay mama na si kuya lang ang makakgawa nun dahil may ready program na sya para dun.
Oo, magaling akong manggaya pero sa panggagaya e hindi naman ganun kadali gaya ng natural na paggawa, madaming proseso.
I pinilit ko na kay mama na hindi ko makakaya yun gawin at pumayag na rin syang hindi ko gawin kaso medyo masama ata loob sakin.
Haay, mahirap talaga pag may mga taong pilit ng pilit at sinabi mo na ang mga bagay na pwedeng sabihin kaso wala paring awat.
Matagal na rin na ganito ang trato ng ibang tao, puro pabor at utos sa ibang tao.
Pwedeng sabihin na uto-uto ako dahil pasensyoso akong tao. Mahaba ang pasensya ko.
Ang ibang tao, medyo takot sakin dahil hindi pa daw nila akong nakikitang magalit.
Ang lahat ng galit, puot at sama ng loob ay nasa aking dibdib lamang.
Bihira lang ako maglabas nito kaya friendly at mahinahon daw ako sa lahat ng bagay.
Sa totoo lang iniiyakan ko yung mga yun. Nakakapagod na rin.
Emtional ang mga lalaki,sobra, maslalo na ako.
Hindi ako tulad ng iba. Iba na kagaya ng Iba. Ako, nagiisa lang, walang pwedeng pasahan, ako lang.

0 comments:

Post a Comment