Wednesday, January 21, 2009

Pamilya

Bakit ganun, pamilya ko ang pinakamamahal ko sa mundo. Mas mahal ko sila kesa sa mga kaibigan ko, boyfriend ko, sa bansa, sa environment. Actually mas mahal ko sila kesa sa sarili ko at sa Dyos, bakit hindi nila nakikita?

Siguro dahil iba ako, hind nila ako kilala. Kailangan ko ba magpakilala sa pamilya ko? Bakit parang hindi nila ako naiintindihan?

Bakit ibang tao ang nakakaalam kung ano magpapasaya sakin, nagpapalungkot? Ibang tao din nakakaalam ng mga problema ko pati na rin mga bagay na gusto ko gawin sa buhay ko.

Itong dinadala kong 'to, kapag nalaman nila, baka ito ang maging sanhi ng delubyo. Sila rin kasi ang nagpapasaya sakin, nagpapalungkot, nagbbigay ng sama ng loob at mga gusto kong maabot sa buhay para din sa kanila.

Isa lang ang iniiwasan kong isipin, isipin kung ano talaga ang pamilya ko sa buhay ko. Gusto kong kasama mga tao na naiintindihan ako pero sapat na ang dahilang nakikita nila akong kasama sa pamilya para mag stay ako.