Thursday, May 26, 2005

Yakap ng Martir

Simula pagkabata magkakasama na kami nila Regine at Martin kaya kilala na namin ang
isat-isa. Si Martin, ang taong mahilig magtago ng nararamdaman ngunit alam ko na mahal
niya si Regine, ayaw lang niya ipakita at alam ko na alam din niya na magkaribal kami.
Maganda si Regine, mabait, madaling mahulog sa pagibig at alam niyang mahal namin siya.

Bakasyon, nagkayayaan kaming pumunta sa Puerto Galera.
Pagkadating duon, namasyal kami at kumain.
Pumunta kami sa aming cottage na magkakahawak kamay at si Regine ang nasa gitna.
Binuksan ko ang TV at umupo kaming magkakatabi sa sofa at si Regine parin ang nasa
gitna at ako naman ay nasa kanan.
Napansin kong iba na ang kinikilos ni Martin, lagi na niyang binabantayan si Regine.
Nakita kong hinalikan ni Martin si Regine sa labi at gayun din naman si Regine kaya
ako ay napatayo at naglakad patungo sa aking kwarto.
Hinabol ako at tinawag ni Regine bago makapasok sa kwarto.

"Patawad, hindi ko sinasadya." Sabi ni Regine sa aking harapan habang ako ay nasa may
pinto ng kwarto.

"Naiintindihan ko." Aking sinabi.
"Ganyan ka naman lagi, lagi mong alam, lagi mong naiintindihan. Galit ka ba?"
"hindi naman maiiwasan na magalit ang isang tao dahil sa nakita nya, at sa tabi pa na.."
"Patawad, hindi ko sinasadya"

Tumigil ang oras. Hindi ko man maiwasan na magselos at mainis sa ginawa ni Martin,
magkaibigan pa rin kami at ganun nmn talaga ang magkaribal diba.

"nasaloob lang ako ng kwarto" pumasok na ako sa loob ng kwarto ngunit hindi ko sinara
ang pinto.
Rinig ko sa loob ng kwarto na naguusap silang dalawa ngunit hindi ko maintindihan.
Mya mya pumasok sa kwarto ko si Regine.
Nagusap kaming nakatayo.

"Regine mahal na mahal kita matagal na" sabi ko.
"Mahal din ako ni Martin at alam mo yun Jerry"
"OO alam ko yun ngunit ang hindi ko alam ay kung sino ba saaming dalawa ang mahal mo"
"Hindi ko alam, parehas na kayong napamahal sa akin ni Martin at ayaw kong mawala kayo
sa akin"
"Kahit kailan hindi ako mawawala sa tabi mo, alam kong hnd naman ako kagwapuhan tulad
ni Martin. Kung sa pagmamahal, ibahin mo ako, hindi ako tulad ng ibang tao na puro
tawag ng laman ang inaasikaso sa isang relasyon."
"Alam ko at lagi ka na lng nagpaparaya, masmahal kita Jerry at hindi na ako
magpapaliguy-ligoy pa" hinawakan ni Regine ang aking pisngi at hinalikan ako sa labi.
Niyakap ko sya.

Humikab si Regine.
"pagod ka na, oras na para matulog. Ayaw kong magkaron ka ng guhit sa mukha"
Ngiti naman si Regine at niyakap nya ako ng mahigpit.
Tiningnan ko ang maamo nyang mukha at nakatulog na sya.

Magkatabi kaming natulog, ni Regine habang ako’y yakap, sa aking kama at sa aming pagtulog ay naramdaman kong may nakatayo at nakatingin sa amin.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Martin, nakatayo lang.

"O, madaling araw na, bakit gising ka pa?" tanong ko.
Inayos ni Martin ang nakabalot na kumot sa amin ni Regine.
Inabot ko ang aking kamay at hinawakan nya ito.
"salamat" sabi ko.
Ngumiti si Martin ngunit kita ko sa kanyang mga mata ang kanyang nararamdamang pagkabigo.
"sige na, matulog ka na. pupunta na ako sa aking kwarto." sabi nya.
Bumalik na ako sa aking pagtulog.

0 comments:

Post a Comment