"O, madaling araw na, bakit gising ka pa?" tanong ko.
Inayos ni Martin ang nakabalot na kumot sa amin ni Regine.
Inabot ko ang aking kamay at hinawakan nya ito.
"salamat" sabi ko.
Ngumiti si Martin ngunit kita ko sa kanyang mga mata ang kanyang nararamdamang pagkabigo.
"sige na, matulog ka na. pupunta na ako sa aking kwarto." sabi nya.
Bumalik na ako sa aking pagtulog.
Kinagabihan, bumili ng dalawang case ng Beer si Martin at nagyaya ng inuman.
Nagkantahan kami at kung anu-anong pinagkwentuhan tungkol sa aming nakaraan nuong kami
ay mga bata pa.
Konti pa lang ang aking naiinom di tulad ni Martin na medyo lasing na.
Si Regine naman ay tulog na sa tabi ko.
"Salamat ulit Martin" sabi ko.
"Wala yun, matagal mo nanamang nililigawan yang si Regine natin. Alam ko mas-sasaya
sya sayo."
Ngumiti ako. Halata parin na mahal na mahal din pala ni Martin si Regine.
Nagising si Regine dahil sa aming tawanan at biruan.
Lasing na kami ni Martin ngunit siya ay nagwawala na. Iba na ang itsura ni Martin.
"Uy, itigil nyo na yan, lasing na kayo. Martin tingnan mo yang itsura mo" sabi ni Regine.
"Uy concern sakin si Regine. Bakit papaliguan mo ba ako?" sabi ni Martin habang
papalapit ang kanyang mukha sa pisngi ni Regine.
"Martin, tama na yan!" sigaw ko bago pa mabastos si Regine sa harap ko.
Inakbayan ni Martin si Regine. Bakas sa mukha ni Regine na ayaw na nya ang nagyayari.
Tumayo ako at hinila ko patayo si Martin "Sige na, tama na to. Matulog na tayo"
Sinuntok ako ni Martin. "Regine tabi naman tayo ha!?" sabi nya.
Alam kong mahal pa ni Martin si Regine kahit papaano, ngunit hindi ko na kaya ang pambabastos nya kahit kaibigan ko pa sya.
Sumisigaw si Regine.
Sinuntok ko si Martin at gumanti sya kaya ako bumagsak sa sahig.
Kinuha ni Martin ang kutsilyo sa lamesa.
Tumayo si Regine na umiiyak at hinalikan si Martin. Napaluha ako. Hindi ko alam
kung bakit.
Tumilapon at bumagsak sa akin si Regine. Niyakap ko sya at naramdaman ko ang dugo
sa kanyang tagiliran at ang pagsaksak sa akin sa likuran.
Kaya ko pang tumayo, nakita ko si Martin na nakatayo at tulala habang nakaharap sa
kanya ang kanyang duguan na kamay.
Kinarga ko si Regine patungo sa labas.
Nagising na lang ako na nakahiga sa kwarto ng ospital.
Walang tao kundi ako lang. Tumayo ako at nakita ko si Regine naglalakad patungo
sa akin, umiiyak.
Tumagos siya sa akin at hinalikan ang aking naiwan na katawan sa kama.
Pinilit kong mayakap si Regine. At sinabi nya na "Jerry, nararamdam ko."
Wala ng balita kay Martin simula nuon.
MY life, my story, my dreams, my destiny.
Thursday, May 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment