Thursday, August 25, 2005

Thrill

Sawakas tapos na yung EDUKASIYAHAN hehe buti na lang ang iba sa mga inimbitahan ko. Nakarating naman ang barkada nila Aika pero I really feel sorry for the CESC counsil about the event. Hindi sinmasadya na masira ang air-conditioning ng Med-Audi pero nung dry-run bago magsimula ang EDUKASIYAHAN, gumagana pa ang air-cons.

SO ayun, nakapag sayaw na ako at marami palang nakapansin na unti-unting bumababa ang pants ko nung malapit ng matapos ang dance number, Badtrip kasi, hindi ko inaasahan na masisira ang buckle ng belt ko pero ok lng, tapos na naman at ang nasa isip ng iba ay napagod ako dahil hindi ko na nagawa yung ibang steps kasi ang totoo tinataas ko yung pants ko kaya ayun.

Bale ngayon, aayusin ko pa yung continouation ng report namin, projects sa ibat-ibang courses tulad ng sa major at ang ELUKUSYON.

ELUKUSYON, isang patimpalak para sa buwan ng wika. Ito talaga ang pinaka nakakaasar, bigla akong isinali ng coach ko sa contest na yun na gaganapin na mamaya. Monolog daw ang gagawin at pwedeng haluan ng kahit ano. Doble-kara ang gagawin ko tapos akkanta ako after ng skit. pinagdarasal ko na lng na sana hindi ko makalimutan ang mga linya ko dahil nakakahiya dahil ako ang gumawa ng gagawin ko sa contest na yun.

Well, good luck ang god bless na lang sakin.

0 comments:

Post a Comment