Sumakit yung chan ko kaninang umaga dahil hindi ako nakakain ng maayos. Pumasok ako ng maaga dahil maymeeting kami. Maaga pa naman para sa 1st subject kaya pumunta muna ako sa CESC office. Bale ang pinagawa sakin ay sumama kay Benedict tapos naghabol pa kami ng mge students na mag e-evaluate on-line. Grabe, asar na asar ako dun sa prof. dun sa Computer Laboratory # 1. After that sumama na ako kay kuya Macs para sa iba pang hahanapin na sections but oras na para dun sa Poster Paintinf Contest ng History Society na napirmahan ko. Ang daming Peepz on my front side and back at puro compliment about my work kahit asar na sakin sina Jomar, Russel Jo, Jade at Marga. hehehe... hindi ko kasalan na maganda ang work ko.. kaasar nga lang, hindi ko sya natapos, lack of time kasi e...
So ang aking paboritong subject na, ang Botany. Biglang nag beep yung phone ko so kinuha yung ID ko. Habang discusion nawalan ako ng gana dahil dun sa nangyari, hindi ko sinisisi ang taong nagsend dahil kasalanan ko talaga dahil hindi na silent. "Tang-na... papakitaan ko 'tong walang kwentang Adviser na to" sabi ko sa sarili ko at kay Angela. Bale, parang no use yung book ko nun dahil talagang close at hindi ko na talaga binuksan pa. Tapos na yung subject. Tinanong ko si Ms. Baysa kung paano ko kukunin yung ID, natuklasan ko na si Millet pala yung nagtext at nasa hospital daw sya dahil sa Ulcers nya. Sinubukan kong kunin yung ID ko kaso hindi ko nakita si Mr. Bunquin, so umuwi kaagad ako. Tapos ngayon naglalaba ako ng mga puti dahil ala na akong Uniform for tomorrow.
MY life, my story, my dreams, my destiny.
Tuesday, September 14, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment