Monday, November 7, 2005

Yehey! pasukan na ulit... horay!
Alam ko marami magagalit sakn kasi madami pang taong ayaw pang pumasok...
Basta ako masaya kasi may baon na ulit... hehehe
So paguwi ko galing sa eskwela, nakatulog kaagad ako sa kwart dahil sa pagod.
Pagkagising ko nataranta ako kasi hindi pa ako bumibili ng school suplies ko for this semester.
Hindi na ako kumain. Dahil sa sakit ng katawan ginusto kong matulog muli ngunit hindi ako dinalaw ng antok.
Wala na lang akong inatupag kundi maginternet at kumuha ng kumuha ng picture using my CP. hehehe
Habang nasa harap ng computer, binuksan ko ang Telebisyon.
Aking laking gulat ng biglang pinalabas sa MYX Premier ang Music Video ng Sugarfree.
At ang kanta ay, hindi ang theme song ng Panday kundi ang pinaka sweet na kanta para sa akin.










Tulog na by Sugarfree

tulog na mahal ko
hayaan na muna natin ang mundong ito
lika na, tulog na tayo.
tulog na mahal ko
wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
saka na mamroblema

tulog na hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kung matulog, matulog ka na…

tulog na mahal ko
nandito lang akong bahala sa iyo
sige na, tulog na muna
tulog na mahal ko
at baka bukas ngingiti ka sa wakas
at sabay natin haharapin ang mundo

tulog na hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kung matulog, matulog ka na…
hanggang makatulog ka
...
Kinuhaan ko ng video kaso pangit kaya picture na lang.
Marami akong kinuha kaso mabagal ang PC ko kaya dalawa lang na upload ko...
hehe excuses...

0 comments:

Post a Comment