Monday, June 27, 2005

Bakit pa?

Ano ba itong nararamdaman ko?
Bakit ito bumalik at ngayo'y may daladalang dahilan kung bakit.
Ngunit ito'y matagal nang napawi sa kakahintay
At ngayo’y ginugulo ang aking mga gunita.

Ayokong may masaktan.
Kung ako lang sana ngunit may madadamay pang isa.
Minahal ko na sya at ayokong masaktan sya.
Bakit ka pa bumalik.

Bakit kailangan ay may dahilan na kay bigat
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin
Dapat ko bang yakapin ang pagkakataong ito?
Subalik hindi ko pa sigurado kung ikaw ba ay totoo.

Tumawag sya
Tila nawala ang nararamdaman ko para sa kanya
Bakit?
Bakit mo inagaw sa kanya?

Minahal kita noon ngunit hindi ka nagparamdam
Ni hindi mo nga naramdaman na minahal pala kita.
At ngayon, sasabihin mong
Hinintay mo ako nuon.

Sana dati mo pa yan sinabi
Ngayon ako'y nagdadalawang isip
Bata pa nga talaga tayo nuon
Pero bakit kailangan ngayon pa?

0 comments:

Post a Comment