Saturday, October 2, 2004

Intramuros...

Naka-sakay sa Jeep
Patungo sa nakaraan
Magkahawak kamay
“mama’, para po d’yan”
bumaba, naglakad,
namasyal sa kahapon
at nagbulungan
“ganito naman ako nuon”
“ganyan ka pala ngayon”

Nakikinig sa tugtugin
ng iisang banda
Sa himig ng kanilang mala-
romantikong musika
Nag hihiyawan at nagsasayaw ang
ibat-ibang uri ng tao
Nagtatanong
“ok lang ba sayo?”
Humawak sa balikat at
tumabi sa iyo
Sabay buhos ang ulan, sigaw
“tara na, takbo!”

Nasa isang bubong kasama ang mga mata ng matanong na mga isip ng ibat-ibang uri ng tao
“sila kaya?”
“baka, ewan”
“siguro nga, oo”
sabay hila ng kamay
nagpakabasa sa ulan
tuma-takbo.

Naghanap ng masisilungan
Umupo sa tahimik na sulok
Hawak kamay, humigpit, nagtanong
“ano nararamdaman mo para
sa’kin, mahal mo ba ko?”
Tumigil ang oras, at nagisip
“palagay mo?”
“oo”





Mainit na yakapan
Malapit sa ilaw ng poste
Malamig na hangin, umuulan
Magkahawak kamay
‘’kaya natin ‘to”
Halik mo’y ramdam
sa aking pisngi’t nuo

Malumot na mga bato ang aming nakikita sa aming paligid
Kasama ang di mawaring isipan, nagtatanong, ng mga tao
Katabi ang lalaking minamahal ko
dito sa Intramuros
na winasak ng nakaraan

Palakas ng palaks ang buhos ng ulan
Sumasabay sa sakit ng aming, pagod na, katawan.
Mahirap, subalit masarap na buhay,
ika’y kasama naman.

Tumayong magkahawak kamay
“mahal kita”
sa salitang banyaga
Naguusap, umiko-ikot
at nagyakapan
“alas kwatro y medya na
ng umaga”
sabi ko sa kanya
“tara na?”
“sandalilang, mamaya na!”

Umalis na kami ngunit babalik din
Gugunitain naming ang bukas
ang mga munting oras
ang sinaunang lugar
sa Intramuros
Ang aming Paraiso…

0 comments:

Post a Comment