Tuesday, August 29, 2006

Ang pananabik sa Konserbatibo

ANG PANANABIK SA KONSERBATIBO

Sa Pagpasok ko sa aking kwarto, rinig ko ang nakakabulahawna ingay ng mga pusa sa aming kapit bahay. Naalala ko bigla pagatatalastasan namin ni Rod tungkol sa tuwing nagiingay ang mga pusa. Nangyari ang pagatatalo namin habang nagiingay ang mga pusa sa bubong ng kapit bahay. Natatandaan ko pa ang mga kaluskos at kalmot sa nabubulok na yero, ang bubong ng kapit bahay. Sabi ni Rod ang mga pusa ay nagtatalik sa tuwing sila ay nagiingay. Mali si Rod. Nagaaway nuon ang mga pusa.

Hindi pa rin tapos ang ingay ng mga pusa. Sinilip ko, hindi sila nagaaway, sila ay nagtatalik. (Privacy pls! ME-ow!) Pag katapos kong malaman ang inaatupag ng mga pusa, minabuti ko ng humiga upang matulog. Biglang tumunog ang aking telepono at nakita ko si Toshio, isang batang multo sa isang nakakatakot na pilikula tungkol sa galit ng kanyang ina. Litrato ni Toshio ang wallpaper ng aking telepono. Inis na inis ang aking kamagaral na si Alexz sa tuwing pinapakita ko sa kanya ang litrato ng multo at bibigkasin ang ngalan ng multo ng "tosho!" (Tou-shuo = silent "u") Naging salitang kanto daw kasi kapag ako ang magbabanggit.

Nagtatalik pa din ang mga pusa. Niyakap ko ang aking unan na ipinangalan ko sa aking kasintahan. Iniisip kong si Dave ang aking unan sa tuwing nangungulila ako sa kanya. Muli kong pinagalaw ang unan sa aking isip. Nagising sa aking yakap ang aking kasintahan. Naingayan sya sa mga pusa. "Anu ba yan, ang ingay. Bakit pa kasi sa gabi nagtatalik ang mga pusang iyan!?" reklamo ni Dave. "Gayahin daw natin kasi sila" biro ko. "May pasok tayo bukas, sira ka talaga!" palusot ng aking mahal. Natawa ako bigla at sinabing "Edi pumasok. Papasok din ako sayo?" Sabay hinigpitan ko ang aking yakap sa aking kasintahan. "Matulog ka na nga lang" sabi niya. Muling nakatulog si Dave. (Pasensya na. Ganyan talaga ang puyat)

Maingay talaga ang mga pusa. Nagising muli si Dave at sinabing, "Hanggang ngayon hnd pa din tapos ang mga iyan!?" "Sana sinabayan nalang natin sila kanina. Edi sana mahimbing ka ng natutulog ngayon" sabi ko. "Lagpas ala-una na, matulog na tayo. Baka maabutan ka pang gising ng Mama mo" sabi niya. Hanalikan ko sa nuo si Dave at nagtalukbong kami ng kumot.

(Nalaman ko bigla na gising din pala ang aking kasintahan sa totoong buhay ng mga oras na iyon)

0 comments:

Post a Comment