Monday, October 9, 2006

trust, love, kindness and care... stupidity

I never thought that I'm gonna be this stupid. After a break-up, I meet a guy named Mark Angelo Hernandez, he's cute as in cute na gwapo. We talked a lot, he rang me sometimes, give me load... Nice huh? I actually felt something for him. The second year CSB student taking up MMA and I decided to meet last Saturday. So we did. I went to Vito Cruz, played billards with him. Drink Starbucks with him and Sing Videoke with him. Lahat gastos nya. One thing that I disregard is that hindi nya kamukha ang picture na binigay nya. Pero ok lang. I'm not seeing him while I'm talking to him naman dati e. I know mabait xa. While Singing, hiniram nya phone ko. Well sa Starbucks naman kasi pinahiram ko sa kanya phone ko kasi sabi nya sira phone nya so I was so kind. So there I was with him in the Videoke bar under the Providence Tower. Ayun nga hiniram nya phone ko, pinalitan nya ng sim. I thought he'll go to his unit, well hnd pala, tinakbo nya phone ko. Yah I know I'm stupid. That is what I called trust and kindness. Ngyon nahihirapan na akong magtiwala kahit kanino. I lost 17k. Gastos ko kasi sa phone, lahat gastos ko. Saya! I came home depressed and gloomy.

Kahapon ko lang naiiyak lahat. I was singing Taralets by Imago and hardly finish the song kasi iyak ako ng iyak. I was watching tv and I stroked a pose, then I realize, it's just a waste of time kasi wala na phone ko...

Ngayon pasingitsingit lang ako ng sim sa Phone ng iba...

Matatagalan pa bago ako magkaron ng bagong CP. It would take me several months.

Matatagal din ang pagiging single ko(?).

Ayan ang ginamit nyang picture sakin... click nyo na lang kung gusto nyo makita kung gaano ka cute yan. hehehe pero hndi xa yung magnanakaw.

To my relatives: o hayan.. tell my parents naman magaling ako pumili sa mukha. x_x

Saturday, September 30, 2006

Ang pagdadalaga at pagbibinata...

Napanuod ko na ang pagdadalaga ni maximo oloveros sawakas! haha pagpasok namin ni Aika sa cinema 2 walha! daming tao... mga 18... haha dami nu??? 18 peepz sa loob ng cinema 2 ng SM san Lazaro. akalain mu yun?? saya... ganda ng muvie,, kaming dalawa lang ni Aika ang nagiingay. as in. ang ingay namin. hahaha. ganda ng storie ng movie... sa mixi ang landi. tinalo pa ako at ang dalawang bading na katabi namin ni aika. LOL. panu naman kasi, pagpasok ko sa CR, nakyutan ata sakin, inirapan ako ng isa o di kaya type ako ngf kasama nya na bf nya. haha. ayun. saya. kainis nga lang, hnd ko napanuod yung pagbibinata or should I say, Sarong Banggi. Kainis. hintayin ko nlng sa Video City.

Wednesday, September 13, 2006

Should.. would... could....

I dont know what to do. Honestly I dont know. It has been 9 days and still im stuck without anything holding me. I've been flirting with other people but i never thought that I will feel like this. I just can't accept the reasons why and the fast exchange of time.

I still want to know all the things that is happening to him but I know I should not. Could I still read his entries even I know that the post after will stab my heart. Would I take him back? Can I? May I? I dont know? even chances, miracles and time is not at my side. We still contact each other but ways of talking wouldn't be the same again. Everything won't be the same again.

My plans got wasted. I'm a total loner... I'm everyone's loser. I'm nothing. I may be the best that everyone dreamed forever of but in reality, forever is not the way it seems to be.

Saturday, September 2, 2006

The usefull police.

one afternoon. I was going to Rod's house. I met a old police in a jeepney. wait! tagalog na nga lang. so ayun, sumakay sya sa jeep at dada ng dada. he was talking about himself that day and he's about to go to the church. to make the story short. in the end, hindi pala xa magbabayad sa jeepney driver. ang saya nyang police.

The Fight.

Conservative and the unsensitive had a big fight over the fone. They just textd each other, not called. Takot ako. Muntikan na kaming magbreak dahil sa aking pangaasar. forte ko kasi yun. ang pangaasar. Nataranta ako kaya tawa ako ng tawa. ganun ako kapag natataranta. natatawa at pinagtatawanana ang mga katawatawa. pinagttripan ko ang mga taong nasa paligid. buti naman ok na kami. mas minahal ko xa ngayon kasi s alahat ng relationship ko ay hindi nagkaron ng away. saya, nagaway kami. Until now hindi pa rin kaming lubos na magkakilala. pero ok lang. Mahal ko xa.

The Package to Heaven.

I was in the jeepney when we passed a man lying on the road. Nagingisay xa. I dont know if some one helped him. Bababa sana ako ng jeep kasi lahat nakatingin lang sa kanya at walang tumutulong. kawawa. imbis na trumpets ang naririnig nya e ay horns. blowing horns and the unstable sound of jeepneys and the silent murmurs of the people around him. I just wished that a good samaritan appeared.

Tuesday, August 29, 2006

Ang pananabik sa Konserbatibo

ANG PANANABIK SA KONSERBATIBO

Sa Pagpasok ko sa aking kwarto, rinig ko ang nakakabulahawna ingay ng mga pusa sa aming kapit bahay. Naalala ko bigla pagatatalastasan namin ni Rod tungkol sa tuwing nagiingay ang mga pusa. Nangyari ang pagatatalo namin habang nagiingay ang mga pusa sa bubong ng kapit bahay. Natatandaan ko pa ang mga kaluskos at kalmot sa nabubulok na yero, ang bubong ng kapit bahay. Sabi ni Rod ang mga pusa ay nagtatalik sa tuwing sila ay nagiingay. Mali si Rod. Nagaaway nuon ang mga pusa.

Hindi pa rin tapos ang ingay ng mga pusa. Sinilip ko, hindi sila nagaaway, sila ay nagtatalik. (Privacy pls! ME-ow!) Pag katapos kong malaman ang inaatupag ng mga pusa, minabuti ko ng humiga upang matulog. Biglang tumunog ang aking telepono at nakita ko si Toshio, isang batang multo sa isang nakakatakot na pilikula tungkol sa galit ng kanyang ina. Litrato ni Toshio ang wallpaper ng aking telepono. Inis na inis ang aking kamagaral na si Alexz sa tuwing pinapakita ko sa kanya ang litrato ng multo at bibigkasin ang ngalan ng multo ng "tosho!" (Tou-shuo = silent "u") Naging salitang kanto daw kasi kapag ako ang magbabanggit.

Nagtatalik pa din ang mga pusa. Niyakap ko ang aking unan na ipinangalan ko sa aking kasintahan. Iniisip kong si Dave ang aking unan sa tuwing nangungulila ako sa kanya. Muli kong pinagalaw ang unan sa aking isip. Nagising sa aking yakap ang aking kasintahan. Naingayan sya sa mga pusa. "Anu ba yan, ang ingay. Bakit pa kasi sa gabi nagtatalik ang mga pusang iyan!?" reklamo ni Dave. "Gayahin daw natin kasi sila" biro ko. "May pasok tayo bukas, sira ka talaga!" palusot ng aking mahal. Natawa ako bigla at sinabing "Edi pumasok. Papasok din ako sayo?" Sabay hinigpitan ko ang aking yakap sa aking kasintahan. "Matulog ka na nga lang" sabi niya. Muling nakatulog si Dave. (Pasensya na. Ganyan talaga ang puyat)

Maingay talaga ang mga pusa. Nagising muli si Dave at sinabing, "Hanggang ngayon hnd pa din tapos ang mga iyan!?" "Sana sinabayan nalang natin sila kanina. Edi sana mahimbing ka ng natutulog ngayon" sabi ko. "Lagpas ala-una na, matulog na tayo. Baka maabutan ka pang gising ng Mama mo" sabi niya. Hanalikan ko sa nuo si Dave at nagtalukbong kami ng kumot.

(Nalaman ko bigla na gising din pala ang aking kasintahan sa totoong buhay ng mga oras na iyon)