Monday, June 13, 2005

finally



Haay naku.. nagbago na ako ng web-template. Masaya ako dahil ako ang may gawa. Inyong mapapansin na ito ay may halintulad sa blog ni Aika. Tama, naisisp kong baguhin ang aking layout at gawin itong simple, katulad ng kay Aika.

Habang ginagawa ko ang layout na ito ay kumakain ako. Iyang nasa litrato ang aking kinakain. Habang kinakain ay iniisip kong Bacon ang aking kinakain (tawa). actually hindi pa ako kumakain ng hapunan sa oras na iyon at lagpas midnight na ng ako'y kumain. pagkatapos kumain, ako ay hindi nasayahan. lumabas ako at bumili ng Buy 1 take 1 na Hamburger (hindi kathang isip, tunay na hamburger) at isang bote ng Pop Cola. Sarap! (patawad Mel, hini ko mapigilin ang aking sarili na kumain ng "Junk Foods" patawad)

Malapit ng mag-alas kwatro ng madaling araw. aalis ap ako mamaya para ayusin ang EJ2 kasama si Nyl. sana matapos na iyon. Sige, matutulog na ako sa aking higaan. Antok na antok na ako. ciao.

bago makatulog, bow

gusto ko ng matulog,
sa aking higaan at isipin ang aking minamahal.
ipagdarasal sa ating maykapal
ang kaligtasan at kaligayahan niya.

mahal ko s'ya
sa akin s'ya ang mahalag
s'ya ang aking saya
ang nagpapasikat ng araw sa aking mga mata

gabi-gabing iniisip ang iyong mukha
ang panaginip na yakap ka.
ang halik na nais maramdaman
bago matulog sa aking higaan.

Sunday, June 12, 2005

the comedy after the horror

Ito ang produkto ng Vonne na ayaw matulog dahil sa takot. Well, pinanood ko yung shutter with my eldest brother. Kaasar. Tama bang manggulat. Kasi nmn po sobrang freaky. Ngayon lng ako ulit natakot ng ganito. Salamat kay Mel ko at binigyan nya ako ng warning na nakakatakot talaga yung movie. Dahil nga sa medyo natatakot na ako e 2 days na rin naman ako na puro tulog kaya I decided na wag nalang matulog... hehe

May part dun sa movie na nakakatawa. Napahalakhak ako. Kung taong mababa ang humor ang makakapanood nun at medyo sensitive, wag nalng nya panoorin yung part na yun.

Dahil nga sa ayaw kong matulog, naginternet na lang ako kasi nagahahnap ako ng bagong idea para sa bagong layout ng blog ko. May mga nakita akong magaganda pero mahirap gayahin. Habang nagahhanap ako, inistorbo ako nila Abu, Patrick at Bryan. Aaliwin daw nila ako sa webcam. Well, naaliw nga naman talaga ako dahil sa kung anu-ano ang mga pinaggagagawa nila. Actually maynakuha akong shot sa Cam kaso tinatamad akong i-upload e. hehe... Saying nakakatawa pa nmn yun... ahihi.

Oo nga pala... e2 ung ginawa ko habang walang magawa... hehe Wala ngang magawa e pero may ginawa... har har har.

Image hosted by Photobucket.com



Image hosted by Photobucket.com

Saturday, June 11, 2005

the new bench advertisment




Image hosted by Photobucket.com



HAR ... HAR ... HAR

Saturday, June 4, 2005

Ano na ba nangyari sakin kamakailan?

Well, masaya na ako dahil nakilala ko si Mel.

Kanina, kasama ko si Aika pumunta sa Recto para bumili ng mga libro ng aking mga kapatid.
Pagkatapos nun ay kumain kami sa Ministop tapos bumili ng "Super Worms" para sa aking
alagang Isda. Inabutan kami ng ulan kya umuwi kaming medyo basa.

Kamakailan, kasama ko si Aika manood ng pelikula. Pinanood namin ang "House of Wax" at
kahapon, pagkatapos ng aking enrollment, pinanood namin ang "Madagascar" kasama si Deanna.
Pagkauwi ay nag-text si Abu kay Aika at nagyayaya na manuod sa Huwebes ng "Shutter." Baka
sumama aq kasama si Mel ngunit tila sa araw na yun ay may gagawin siya sa aming paaralang
pinapasukan ukol sa kanyang uniporme.